Monday 30 March 2015

You're My Boss - The Official Romance Summer Movie of 2015



Isang panibagong tambalan sa pelikula ang iyong aabangan ngayong summer na handog sa atin ng Star Cinema ang Primetime King na si Coco Martin at ang RomCom Queen na si Toni Gonzaga para sa pelikulang You're My Boss. Isang pelikulang tiyak na magpapatawa sa atin sabi nga ni Coco Martin na bumaboundary sa comedy ang pelikulang ito at bilib din ako sa husay ng direksyon at panulat ni Antoinette Jadaone na lubos kung nagustuhan ang mga nagawa niyang comedy din na pelikula na Beauty in A Bottle at ang romcom din na That Thing Called Tadhana.









Sa Bloggers Conference na ginanap noong Sabado March 28 2015, nasabi ni Toni Gonzaga na hindi niya akalain na makakagawa siya ng pelikula kay Coco dahil isa itong seryosong aktor sa paningin niya at napakagalang na parang laging nagbibigay pugay sa kanya tuwing sila ay magkikita. Ang mga pagkakataon na ito na naalala niya ka Coco ang naging simula ng konsepto na ipinitch niya sa Star Cinema na bakit hindi sila gumawa ng pelikula na kung saan siya ang boss at si Coco ang magiging assistant niya.

Sinabi rin ni Toni na hindi niya inaasahan na may tinatagong galing sa pagpapatawa itong si Coco dahil iyong pagiging "raw" daw mismo ni Coco at effortless sa pagpapatawa ang nagiging epektibo upang makuwa nito ang hinihingi ng eksena. Natural comedian daw si Coco by nature at may sariling sense of humor na kinatigan naman ni Direk Antoinette na doon daw sa pagiging natural ni Coco ay doon siya tuwang tuwa.

Masaya naman na nakatrabaho ni Coco si Toni dahil full support daw ang binibigay ni Toni sa kanya lalo na sa mga nakakatawang eksena at bilang isang artista ang dami na daw nilang napag usapan at naging magaan na sila sa isa't isa na sinang ayunan naman ni Toni

Nabanggit naman ni Direk Antoinette na kung bakit sa Batanes tayo dadalhin ng pelikulang ito ay dahil ang Batanes daw ay napakahonest na lugar at napakapayapa na kung saan may connect doon iyong mga mangyayari sa character nina Coco and Toni.

Ang theme song ng You're My Boss na Baby I Need Your Lovin' ay inawit ng Harana isang bagong grupo na kinabibilangan nina Joseph Marco, Bryan Santos, Michael Pangilinan at Marlo Mortel na handog sa atin ng OPM Fresh mula sa Star Music.

Mapapanood na ang You're My Boss ngayong Black Saturday April 4 2015 sa buong Pilipinas.


Please check this link for the synopsis and full trailer of You're My Boss




PHOTOS AND VIDEOS DURING THE BLOGGERS CONFERENCE OF YOU'RE MY BOSS






Coco Martin serenading the fans before the Bloggers Conference of You're My Boss at Fairview Terraces






Toni Gonzaga serenading the fans before the Bloggers Conference of You're My Boss at Fairview Terraces






Direk Antoinette Jadaone, Coco Martin and Toni Gonzaga for the Bloggers Conference of You're My Boss at Fairview Terraces




























No comments:

Post a Comment