Saturday 9 May 2015

Judy Ann Santos for MMK Mother's Day Special: MMKMothersQuest



  Muli nating mapapanood sa MMK ang Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos para sa natatanging episode ng MMK bilang pagbibigay pugay sa ilaw ng mga tahanan ngayung Sabado (May 9). Tampok ang nakakaantig na kwento ng isang nanay na nawalay sa kanyang apat na anak.




Gagampanan ni Judy Ann ang karakter ni Belen, isang ina na walang ibang nais kundi mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Dahil sa bisyo at mga kapabayaan ng kanyang asawa, mapipilitan si Belen na lumayo sa kanyang pamilya para sa isang training sa Maynila.

Ngunit sa kanyang pagbabalik matapos ang tatlong buwan, gumuho ang mundo ni Belen nang matuklasan niya na ibinenta ng kanyang asawa ang kanilang apat na anak.

Tampok din sa Mother’s Day special ng “MMK” sina Ian de Leon, Sam Concepcion, Kristel Fulgar, Celine Lim, Mariel Pamintuan, JB Agustin, Eva Darren, Crispin Pineda, Nikki Bagaporp, Neri Naig, Raquel Montessa, at Tom Olivar. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar at panulat ni Benjamin Benson Logronio.

Huwag palampasin ang Mother’s Day special episode ng longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.







Here are My Video Coverage of Judy Ann Santos - MMK Mother's Day Special Presscon

















No comments:

Post a Comment