Friday 3 June 2016

Movie Review: Pare, Mahal Mo Raw Ako

Based from the Himig Handog Entry and hit song performed by one of the lead of the film Michael Pangilinan, Pare, Mahal Mo Raw Ako tells the story of Mark (Edgar Allan) whose secretly in love with his best friend Red (Michael Pangilinan), a straight guy.
On their vacation Mark decided to confess his feelings and the conflict starts there.

For sure na maraming makakarelate na gay sa pelikulang ito lalo na sa mga hindi pa out at may lihim na nararamdaman sa kanilang kaibigan. Sa mga hugot pa lang at linyang binitawan ni EA ay tiyak na madadala ka sa pelikula. Ang husay ni EA sa pagganap bilang isang kloseta at bagay na bagay sila ni Ms. Nora Aunor na mag-ina na parehong mahusay umarte at mata  pa lang ay umaarte na. EA is really one of the good actor in his generation. Tugma naman kay Michael Pangilinan ang role ng isang lalaking pinagpapantasyahan.  May chemistry sila ni EA at hindi naging awkward ang mga eksena nilang dalawa. I am happy that Michael has given a launching film as well as with EA that deserves to have a lead role like in this film.

Hindi rin pahuhuli ang mga supporting cast na sina Katrina Legaspi na nagustuhan ko ang natural na pag-arte lalo na sina Joross Gamboa at Matt Evans na sobrang aliw factor sa pelikula. Simple lang ang kabuuan ng pelikula mula sa istorya, pagkuwento, galaw ng kamera at production design ngunit maayos na nailahad ang mensahe na gustong sabihin. May mga eksena na simple lang pero tatagos sa iyong puso lalo na doon sa mga nakaranas ng parehong sitwasyon ng dalawang bida sa pelikula. Favorite scene ko is iyong pagbasa ng letter ni EA from Michael towards the last scene it feels so much real for me lalo na iyong laman ng letter. Kung gusto niyong matawa, maluha, silipin ang simpleng kuwentong pag-ibig nina Mark and Red panoorin niyo ang pelikulang ito. 


Pare, Mahal Mo Raw Ako opens June 8 in cinemas.




My Verdict: 3.5/5



PHOTOS AT THE RED CARPET PREMIERE OF PARE, MAHAL MO RAW AKO


The Cast of Pare, Mahal Mo Raw Ako: Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Katrina Legaspi and Nikko Seagal Natividad


CJ Navato grace the red carpet premiere of Pare, Mahal Mo Raw Ako

Katrina Legaspi is the girl bestfriend of EA in Pare, Mahal Mo Raw Ako

#HASHTAG Member Nikko Seagal Natividad on his launching film Pare, Mahal Mo Raw Ako
















The Cast of Pare, Mahal Mo Raw Ako with the director Joven Tan





Garie Concepcion grace the premiere of  the launching film of his boyfriend Michael Pangilinan






No comments:

Post a Comment